Sa pamamagitan ng pagsasagawa at pangunguna sa mga proyekto at gawaing mahahalaga at makabayan, tulad ng mga pantas-aral at salu-salo na siyang magiging lagusan ng wika, kultura at paniniwalang Filipino, muling panunumbalikin ng DANUM ang sigla ng bawat Pilipino sa pagtataguyod at pagbibigay halaga sa sariling wika at kultura. Makikiisa ang DANUM sa Departamento ng Filipino sa pagbibigay serbisyo na makapagtataguyod ng matatapat, makatarungan, at propesyonal na mga mag-aaral na nagpagpapahalaga sa wika, kultura, at sining ng bansa, mayroong malalim na kamalayan sa mga mahahalagang usaping panlipunan, at inaasahang mangunguna sa mga pagbabagong kahaharapin ng Pamantasan at ng bansa.
Natatanaw ng DANUM ang kanilang mga kasapi bilang mga instrumento ng pagbabago at pag-unlad ng industriya ng midya at ng bansa. Nakikita nito ang isang komunidad na nagpapahalaga at patuloy na nagpapayaman sa Kulturang Pilipino at kumikilala sa Wikang Filipino bilang isang wikang makapangyarihan, habang patuloy na naglilinang ng mga Pilipinong nagtataguyod ng pagmamahal sa sariling wika at kultura.
Organisasyon Pilipino, para sa Pilipino